Umaasa at naghihintay pa rin

Nagsimula ang lahat sa di inaasahang pagkakataon. 

Aral pa lamang ang aking tuon noon. 
Ngunit nagbago ang lahat nang makilala kita. 
Minahal kita nang hindi sinasadya. 
Nahati ang atensyon ko simula nang dumating ka. 
Pero ayos lang. 
Masaya akong naging isa ako sa iyong mga taga hanga.

Lahat ng oras ko ay inilaan ko para sayo. 
Pero wag kang mag-alala, 
Binibigyan ko naman ng oras ang sarili ko. 
Dugo at pawis ang inilaan ko para makita ka. 
Pero wag kang mag-alala, 
Okay lang ako.

Madaming humahadlang sa kaligayahan kong ito. 
Oo, isa ka sa kaligayahan ko. 
Hindi nila maintindihan ang nararamdaman ko. 
Hindi pa kasi nila nararanasan ang ganito. 
Oo, madaming may ayaw sayo. 
Pero isa lang alam ko, 
Mahal kita at hindi na yun magbabago.

Sa paglipas ng panahon, 
Ang dating masaya, 
Ngayon ay napalitan na ng luha. 
Luhang pumapatak sa aking mata dulot ng sakit at pangamba. 
Bakit tayo umabot sa ganito? 
Bakit kailangan pa nating maghiwalay? 
Bakit pag gising ko wala ka na? 
Saan ka nagpunta? 
Bakit mo ko iniwan? 
Bakit kailangan mo pang umalis? 
Babalik ka pa ba? 
Mga tanong na hanggang ngayon ay wala pa ring sagot. 
At hindi ko alam kung masasagot pa ba.

Umaasa at naghihintay pa rin ako sa iyong pagbabalik. 
Alam kong wala itong kasiguraduhan pero ako’y nananalig. 
Nananalig na babalik kang muli at tayo’y magiging masaya ulit. 
Pero hanggang kailan? 
Hanggang kailan ako maghihintay at aasa? 
Sabihin mo na para magising na ako sa bangungot na ito.

Ayoko na. Sobrang sakit na. 
Hindi ko na kaya. Suko na ko. 
Itigil na ang kahibangang ito. 
Mga katagang sumasagi sa aking isipan. 
Ngunit kahit kailan ay hindi ko magawa. 
Sapagkat ako’y umaasa at naghihintay pa rin sa iyong pagbabalik.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: