Paalam

Anim na letra. Isang salita

Masakit sa pandinig
At naglalabas ng tubig sa aking mata
Nais kong makasama at mayakap ka pa
Ngunit ika’y nagmamadaling umalis
At wala ng balak bumalik pa

Anim na letra. Isang salita
Sobrang sakit marinig mula sa iyo
Tinutusok ang puso kong makita kang naglalakad palayo
Naiwan akong nag-iisa at lumuluha
At paulit-ulit na naririnig ang isang salitang nagpabago 
sa ating dalawa

Anim na letra. Isang salita.
Pag naririnig ko ay ikaw ang aking naalala
Naalala kung paano mo ito binigkas
Mahina pero madiin
Mabilis pero masakit
Isang salita pero napahinto nito ang mundo ko

Isang araw, pumunta ako sa lugar kung saan tayo huling nagkita
Matagal na panahon na rin pala nang iwan mo kong mag-isa
Pinagmasdan ko ang lugar at ako’y napaisip
Inisip ang alaala nating dalawa
Kung paano tayo nagkakilala at naging magkasintahan
Napangiti ako nang aking maalala
Ngunit napawi ang ngiti sa aking labi 
nang marinig ko ang pagsabi mo ng salitang tumusok 
at paulit-ulit pa rin na tinutusok ang aking puso

Nakita ko ang sariling lumuluha 
at napasabi sa sariling itigil na ang 
pagkapit at pagmamahal sa iyo
Kaya ngayon ay bibitawan na kita
Bibitawan na ang iyong alaalang nanirahan sa aking puso’t isipan
At sa wakas,
Ang salitang ito ay sasabihin ko na rin sa iyo
Itong anim na letra at isang salita

Paalam.

Hanggang sa muli nating pagkikita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: