Ulan

Maraming tubig ang pumapatak mula sa langit

Pumapatak sa bubong kaya nagdudulot ito ng ingay na musika sa aking pandinig

Gusto kong pagmasdan kung paano umiyak ang mga ulap
Pero hindi ko na ito mapagmasdan dahil wala na ang araw para magbigay liwanag

Pinagmasdan ko pa rin ang langit kahit wala ang buwan at bituin
At inalala kung paano tayo nagkakilala

Binabaybay ko noon ang kahabaan ng Teresa
at bigla kang sumulpot sa aking tabi para makisilong sa payong ko
Ngumiti ka,
Ngiting nakapagpatunaw ng aking puso
Tinanong mo ang pangalan ko,
tinanong ko ang pangalan mo

Ang pag-ibig natin ay nagsimula sa ilalim ng umiiyak na ulap

Kung saan ito nagsimula, doon din ito nagtapos

Binabaybay ko rin noon ang Teresa
at bigla ka ring sumulpot sa harap ko
Hindi para makipagkilala pero para magpaalam
Nararamdaman kong basa ang pisngi at buong katawan ko
Nabitawan ko pala ang payong na hawak ko kung saan naging saksi ito sa una nating pagtatagpo

Hindi ko na malaman kung ulan ba o luha ang tumutulo sa mukha ko
Maaaring pinagsama itong ulan at luha
Kahit ano pa man ito, hindi nito masama sa pag-agos ang sakit na nararamdaman ko

Sa pagdilat ng mata ko,
ang ulan ay unti-unti ng humuhupa
Gaya ng pagmamahal ko sayo,
unti-unti na ring nawawala

Hindi ako nagagalit kapag umuulan
Hindi ako naiinis sa tuwing naririnig ko ang pag iyak ng ulap
Hindi.
Hindi.
Hindi ako naiinis o nagagalit
Nalulungkot lang ako
Dahil sa panahong ito,
sa pag iyak ng ulap ay umiyak din ako
nang iwan mong wasak ang puso kong minsan mong binuo
sa gitna ng ulan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: