Hindi pa ito ang huli

May naalala ka ba?

Malamang wala
Hindi naman kasi mahalaga ang araw na ‘to
Ito lang naman yung araw kung saan tayo pinag-isa
Napagdesisyunan kong tayo’y maging isa
Ito lang naman yung araw na masaya
Palagi nating hinihintay sapagkat espesyal
Ngunit nagbago na
Hindi na espesyal
Dumadaan na lang
Hindi na masaya
Hindi na hinihintay
Ordinaryong araw na lang

May tanong ako,
Babalik ka pa ba?
Malamang hindi na
Kasi meron ng iba
Alam ko namang kasalanan ko dahil iniwan kita
Hindi na ko umaasa sapagkat alam kong masaya ka na

Manggugulo ako
Hindi sa relasyon niyo, kundi sayo
Guguluhin kita para sabihing miss na kita
Guguluhin kita para sabihing sana katabi kita
Guguluhin kita para marinig ang boses mong kay ganda
Guguluhin kita para kulitin at asarin ka
At guguluhin kita hindi para pero dahil gusto kong kausap ka

Kung tatanungin mo ako,
“Ito na ba ang huli na magsusulat ka para sakin?”
Malamang hindi pa
Hindi ko sasabihing oo kung hindi ko naman tutuparin
Ngunit sigurado ako
Hindi pa ito ang huli na magsusulat ako tungkol o para sayo
Pero wag kang mag-alala
Malapit ko ng makamit ang dulo
Malapit na kaming magtagpo
Malapit ko ng masabing..

Ito na ang huli na magsusulat ako para sayo

Pero sa ngayon,
Hindi pa ito ang huli.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: