Tiwala

Madaling ibigay sa taong karapat-dapat

Madaling wasakin ng isang pagkakamali
Na maaaring maging dahilan upang mawala ang lahat ng iyong pinaghirapan
At maiwan kang mag-isang nagdadalamhati

Tiwala

Parang isang papel na kapag nalukot ay hindi na maibabalik sa dati
Parang panulat na wala ng saysay kapag nabali
Parang nabasag na salamin
Parang iyong pagmamahal na hindi mo na kayang ibigay sa akin
Parang sugat na natamo sa pagtakbo, maghihilom ngunit mag-iiwan ng bakas
At parang pag tulak sa pader na hinding-hindi gagalaw kahit ibigay mo ang iyong buong lakas

Tiwala

Binubuo ng anim na letra, tatlong pantig at isang salita
Iisa-isahin ko ang bawat letra
Paghahaluin ko, guguluhin ko
Gagawin ko ito ng buong puso
Hindi ako magdadagdag, hindi ako magbabawas
Ngunit mag-iiwan ako ng bakas
Gagawin ko ang lahat sa anim na letra, tatlong pantig at isang salita na iyan
Mabuo lang at tanggapin mo akong muli diyan sa puso mong matagal kong tinirahan

Tiwala
Iisa-isahin ko ang bawat pantig

Ti
TInanggap mo ako sa iyong puso’t isipan
Pumasok akong handang lumaban
Ngunit pinalabas mo ako ng walang alinlangan

Wa
WAla akong nagawa kundi ang lumuha
Lumuha at magmakaawa
Magmakawaang muli tayong magsama

La
LAlakasan ko ang aking boses para iyong marinig
Itong puso kong naghihinagpis
Nananalig na muli kang magbabalik

Paano nga ba mabubuo ang isang bagay na nasira na?

Ang tiwala ay isang salita
Isang salita na nakakasira ng isang relasyon
Isang salita na hindi maituturo o maibibigay ng edukasyon
Isang salita na madali lang sabihin pero mahirap nang ibigay pag nawasak na
Isang salita na nakakapagpabago ng pagtingin ng tao sa mundo
Isang salita na sinira ko
Isang salita na kahit anong ayos ang gawin ko hindi ko na maibalik
Isang salita na hindi maibabalik ng galit
Isang salita na nasugatan ko ng maliit isang beses na kahit anong gawin kong gamot ay hindi maghihilom
Dahilan para sa bawat kilos ko ay may matang nakasunod
Nagbabantay sa mga galaw ko
Hindi na naniniwala sa sinasabi ko
Na kahit anong gawin kong paliwanag, hindi siya makikinig
Na kahit na totoo ang sinabi ko, hindi sya maniniwala
Hahanap at hahanap siya ng butas para mapaamin ako
Butas na kahit anong laki ang gawin niya ay hindi ako mahuhulog
Hindi dahil sa matalino ako
Pero dahil sa ang tinuturan ko ay totoo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: