Ayoko na

Paano na tayong dalawa? 

Alaala na lang ba ang natira? 
Alam kong puso mo’y sawa na
Sa pagpipilit ko ng aking nadarama

Wala na ba? 
Wala na bang pag-asa? 
Wala na bang natitirang pagtingin? 
Wala ka na bang natitirang pagmamahal sa akin? 
Hindi mo na ba ako hihintayin?

Magtatanong ako
Sana’y sagutin mo
Hindi kita papahirapan
Ito’y may pagpipilian

Bitaw na ba o kapit pa? 
Suko na o laban pa? 
Meron pa ba o wala na? 
Sagutin mo mahal, maaari ba?

Dahil mahal,

Ayoko nang umasa na meron pa
Gusto ko nang namnamin na wala ka na

Ayoko nang kumapit sa isang imahinasyon na nandiyan ka pa
Gusto ko nang bumitaw sa salitang “mahal kita”

Ayoko nang kumapit sa kamay mong hindi na nakakapit
Gusto ko nang bitawan ang puso mong kailanma’y hindi naging akin

Ayoko nang lumaban sa giyera ng pag-asa na tayo para sa isa’t isa
Gusto ko nang sumuko sa giyera na ako lang ang lumalaban mag-isa

Mahal ayoko na, ayoko na
Dahil mahal, masakit na.

Advertisements

2 thoughts on “Ayoko na

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: