Hindi mo na ako mahal

Minsan, habang ako’y nag-iisa o kaya naman ay may kasama

Ako’y napapaisip, napapatanong sa sarili

Paano ba maging mahalaga?
Ano kayang pakiramdam ng may nagbibigay halaga?
May nag-aalaga?
May nagmamahal?
May nagtetext ng “Kumain ka na ba?”
“Ingat ka”
“Miss na kita”
“Mahal kita”

Kailan kaya?
Kailan kaya ako magiging mahalaga?
Kailan mo ulit ako bibigyan ng halaga?
Kailan mo ako hindi ipangsasawalang bahala?
Kailan may magmamahal sa akin?
Kailan mo ako muling mamahalin?

Oo ikaw
Ikaw nga
Oo Ikaw nanaman
Ikaw pa rin naman

Kailan mo ulit ipapadama sa akin na mahalaga ako?
Kailan mo ako muling mamahalin?
Kailan mo ako unang kakamustahin?
Kailan mo ako unang itetext ng “Kumain ka na ba?”
“Ingat ka”
“Miss na kita”
“Mahal kita”

Kailan?
Pagtapos ng walang hanggan?
Kapag wala ka ng magawa?
Kapag may pinagkakaabalahan siya?
Kapag magkaaway kayo?
Kapag wala na kayo?
O kapag wala na ang pagmamahal ko sayo?

Nakakapagod
Nakakapagod limusin ang pagmamahal mo
Lalo na’t kung may pinag-aalayan ka na nito
At hindi na ako ang nagpapasaya sayo
Hindi na ako ang bumubuo ng araw mo
Hindi na ako ang nagpapakilig sayo
Hindi na ako ang yumayakap sa tuwing nilalamig ka
Hindi na ako mahalaga
Hindi mo na ako mahal

Ayan. Nasabi ko na
Hindi mo na ako mahal

Uulitin ko para mas masakit
Hindi mo na ako mahal

Ngunit kahit ganoon pa man,
Ako ang manghihingi ng tawad
Patawad sa pagpipilit ko ng aking sarili
Patawad sa pang-aabala
Patawad kasi minamahal pa rin kita
Patawad kasi dapat hindi na
Patawad kasi dapat hindi na ako nanggugulo pa
Patawad kasi hindi pa ako nagpaparaya
Patawad kasi kaya ko pa
Patawad kasi kaya ko pang kumapit sa katiting mong pisi
Patawad kasi nandito pa rin ako, naghihintay ng atensyon mo

Mahal, patawad
Patawarin mo ako dahil hindi ko pa kayang bumitaw
Hindi ka pa kayang bitawan ng puso kong matagal ng uhaw
sa iyong pagmamahal.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: