Pansamantala

Mabilisan

Hindi aabot ng isang buwan
Maikling oras lang ang kailangan
Para matapos agad

Ganoon
Ganoon kabilis ang nangyari
Parang kanina lang ika’y nasa aking tabi
Parang kanina lang hawak ko pa ang iyong kamay
Parang kanina lang ay mayroon pa tayong saysay
Parang kanina lang ay masaya tayong dalawa
Parang kanina lang ay yakap pa kita
Parang kanina lang ay akin ka pa

Bakit paglingon ko wala ka na?
Nawala ng parang bula
Ganoon na lang ba?
Iiwan mo na ulit ako kasi bumalik na siya?

Bakit pag lingon ko dalawa na kaming nakahawak sa iyong kamay?
Ngunit mas mahigpit ang iyong kapit sa kanya
At unti-unti mong kinakalas ang mahigpit kong pagkapit
Ika’y di hamak na mas malakas sa akin
Sapagkat wala akong lakas para kalabanin ang aking kahinaan

Masakit na ngayon ay wala na tayong saysay
Dati ay hindi tayo mapaghiwalay
Ngayon kahit pagbati ay wala akong matanggap
Dahil alam ko wala ka ng kailangan

Bakit pag lingon ko hindi na ako ang dahilan ng iyong pag tawa?
Dahil ba mas masaya siya kasama?
O hindi lang talaga ako mahalaga?
Kaya kahit anong gawin ko hindi kita mapasaya

Bakit hindi mo na ako yakap ng mahigpit?
Dahil ba hinihintay mo na lang akong kumalas para siya naman ang iyong yakapin?

At bakit ngayon hindi ka na akin?
Mahal, hindi mo na kailangan sagutin
Dahil alam ko na ang kasagutan
Simple lang naman ang sagot
Bumalik na siya
Bumalik ka na sa kanya
Kaya kailangan ko na ring bumalik sa pangungulila sayo, sinta.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: