Ewan

Mayroong salitang ‘ewan’ sa pagitan ng tayo

Mali pala. Sa pagitan ng ikaw at ako dahil wala namang tayo

Ewan ko ba kung bakit ikaw ang aking nagustuhan
Sa dinami-rami ng lalaki ay ikaw ang aking natipuhan
Isang lalaking walang kasiguraduhan
Ngunit napasaya ako ng panandalian

Ewan ko ba kung bakit pagkatapos natin pagsawaan ang isang bagay ay atin na itong bibitawan
Dahil ba hindi na natin ito kailangan?
Dahil ba hindi na tayo nito napapasaya?
O dahil mayroon ng pumalit na mas maganda?

Ewan ko ba kung bakit may mga taong dadating pero agad ding aalis
Yung tipong pinasaya ka lang saglit
Tapos ang kapalit nito ay sakit

Ewan ko ba kung bakit ganoon lang kadali para sayo mawala ng parang bula
At bumalik na parang walang nangyari sa ating dalawa
Na parang hindi mo ako nasaktan
Pero hindi mo nga pala alam ang parteng iyon dahil wala kang pakialam

Sa pagitan ng ewan ay mayroong ikaw at ako
Ang relasyon natin ay hindi ko alam kung saan patungo
Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ang pagkapit sa pag-asang baka bukas ay mahal mo na rin ako

Marahil ay natatakot ka sa ating kahihinatnan
Mahal, parehas lang tayo ng nararamdaman
Ako ma’y natatakot ding masaktan
Ngunit handa akong sumugal
Sapagkat ganoon kahit kamahal.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: