Nakakapagod nang mahalin ka

Madami akong gustong sabihin pero hindi ko alam kung saan at paano ito sisimulan

Sisimulan ko kung paano tayo nagtapos para maiba naman

Niyapos mo ako at nagmamakaawang patawarin kita
Basang-basa na ang mukha mo ng iyong luha
Hindi mo na ininda kung ano na ba ang iyong itsura
At paulit-ulit na sinabi ang “mahal kita.”
“Mahal kita.”
“Patawarin mo ko.”
“Mahal kita.”
“Wag mo kong iwan.”
“Mahal. Huli na ‘to.”

Umiling ako. Sunod-sunod na iling
At naglakad palayo sayo
Hindi ko na magagawa pa ang iyong hiling
Napagod na ang puso kong umintindi
Napagod na akong pakinggan ang matatamis mong salita
Napagod na akong patawarin ang paulit-ulit mong ginagawa
Napagod na ako
Napagod na hanggang sa hindi ko na kayang kumapit pa

Bumitaw ako
Kumapit ka pa
Nagsusumamong balikan kita
Sumuko ako
Lumaban ka pa
Pinaglaban ang pagmamahal mo sa akin
Ngunit ayaw ko na
Dahil mahal, nakakapagod nang mahalin ka.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: