Muling nagsulat tungkol sayo

Naghahanap ng papel na masusulatan

Muling isusulat ang iyong pangalan
Muling magsusulat tungkol sayo
Na kailanma’y hindi ko ipapabasa
Dahil ayokong maging desperada

Na kailanma’y hindi mo malalaman
Dahil hindi ko ipapaalam

Na kailanma’y aking itatago
Dahil kapag nabasa mo nama’y walang magbabago

Na kailanma’y mananatili sa aking kuwaderno
Dahil wala namang saysay kung iyong mababasa

Na kailanma’y tanging ako at sila lang ang makakabasa
At hindi nila malalaman kung para kanino ba ang aking mga gawa

Kung para kanino ba ako nagsasayang ng oras para sumulat ng tula

Kung sino ang inaalalayan ko ng mga ito

Kung sino ba ang aking inspirasyon

Kung sino ba ang dahilan ng aking pagsulat

Mahal, kahit kailan ay hindi nila malalaman
Dahil ikaw nga mismo ay hindi mo alam
Dahil wala ka namang pakialam
Wala ka ngang pakialam sa aking nararamdaman
Sa mga sinusulat ko pa kaya?

Pasensya na mahal kung ginagamit kita
Ginamit mo lang din naman ako, di ba?
Huwag kang mag-alala
Hindi ako gagawa ng bagay na iyong ikakasama
Parang hindi mo naman ako kilala
Kahit kailan naman ay hindi kita ipinagsawalang bahala
Hanggang ngayon nga ika’y akin pa ring naalala
Dahil kung hindi na,
Hindi na ako magsasayang ng oras upang gumawa ng tula
Na kahit kailan ay hindi mo mababasa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: