Hindi na ako mahalaga

Pinipilit kitang kalimutan
Ngunit ng aking natanaw ang iyong ngalan
Ito ay nagdulot sa akin ng kalungkutan
At ang nanahimik kong mundo ay ginulo mo nanaman

Sa pagitan ng aking pagtawa ay bigla ko na lang mararamdaman ang iyong presensya
Lilitaw ang iyong pangalan, maririnig ko ang ating kanta at makikita ko ang litrato nating dalawa

Ngunit kahit ganito
Sinusubukan kong hindi magparamdam sayo
Dahil masasaktan lang ako
Sapagkat alam ko namang hindi na ako mahalaga sayo

Tama ako di ba?

Ni hindi mo nga naisip ang nararamdaman ko noong binitawan mo akong muli dahil lang bumalik na siya

Ni hindi mo nga naisip na nasaktan ako dahil ginawa mo lang akong tagakapakinig sa mga hinaing mo sa kanya

Ni hindi mo nga naisip na nasasaktan ako kahit sinabi kong ayos lang

Ni hindi mo nga naisip ang mararamdaman ko noong ipinagsawalang bahala mo ako nung ako naman ang nangangailangan

Ni hindi mo nga naisip na kaibigan mo ako na minsan ay nangangailangan ng iyong atensyon

Ni hindi mo nga alam na mahal kita kasi tangina
Siya lang naman ang iyong nakikita
Siya lang naman ang iyong inaalala
Siya lang naman talaga
Wala naman kasi akong halaga

Kaya mahal,
Kahit mapaos pa ang puso ko sa kakasigaw ng iyong pangalan,
Hindi pa rin ako magpaparamdam
Dahil hindi ako ganoon kadesperada para ipilit ang sarili ko sa taong may iba ng mahal.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: