Magkaiba tayo

Magkaiba ang depinisyon natin ng pag-ibig

Ang pag-ibig para sa akin ay isang komitment na hindi agad-agad binibitiwan
Isang komitment na gagawin mo ang lahat para lang hindi siya masaktan
Kahit pa ito’y ikasasakit mo
Isang komitment na mamahalin mo siya ng lubos kahit kapalit nito ay sakit
Sakit na dulot ng pagkapit
Pagkapit sa binibitawan na niyang lubid

Masakit
Masakit ang pag-ibig
Masakit ang umibig pero masarap

Sarap na hahanap-hanapin mo
Parang paborito mong pagkain na hindi ka nagsasawa kahit ilang beses mo na itong kainin
Sarap na sana wala ng katapusan
Sarap na sana puro sarap na lang

Tangina

Pero hindi eh
Dahil magkaiba tayo ng depinisyon ng pag-ibig

Ang pag-ibig para sayo ay parang isang laruan na iiwan mo na lang kapag nagsawa ka na
Parang bagay na hindi mo na ginagamit na itatapon mo na lang basta kasi hindi mo na mapakinabangan
Parang aircon na hahanap-hanapin mo pag naiinitan ka na
Parang damit na gustong-gusto mo sa una
Pag-iipunan mo pa pero ipagsasawalang bahala mo naman pag tumagal na

Ang pag-ibig para sayo ay ang hindi matatag na pag tayo mo ng plano para sa inyong dalawa
Ang pag-ibig para sayo ay libangan
Libangan para pagkatuwaan
Libangan para may mapagkaabalahan
At libangan para may maipagmalaki ka sa iyong mga kaibigan

Tangina

Mahal, magkaiba tayo

Habang ako’y nasasaktan, nagpapakasaya ka
Habang ako’y lumuluha, ika’y tumatawa
Habang ako’y umaasa na babalik ka, ika’y tumatawa dahil mukha akong desperada

Mahal, magkaiba tayo

Dahil mahal kita
Minahal kita
At minamahal pa rin kita

Ikaw nama’y may minamahal ng iba
At parte na lang ako ng iyong nakaraan
Habang ika’y nananatili parin sa aking kasalukuyan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: