Sana ay matapos na

Madami na akong naisulat para sayo

Madami na rin akong naubos na papel at pluma
Pigang-piga na rin ang utak ko sa kaiisip ng mga salita
Na tutugma sa nais kong iparating sayo
Ngunit kahit kailan ay hindi nakarating dahil ayoko

Natatakot ako na ipagsawalang bahala mo ang mga ito
Natatakot ako na hindi mo ito babasahin
Natatakot ako na baka dahil dito ay tuluyan mo na akong hindi pansinin
At natatakot akong malaman mo ang nararamdaman ko para sayo

Kasalanan ko naman ang lahat
Hindi ko naibigay ang iyong gusto
Dahil natatakot ako
Natatakot ako sa ating kahahantungan
Kaya pinigilan ko ang aking nararamdaman
Na nagresulta sa hindi ko pagbibigay sayo ng halaga
Kaya iniwan mo ako at naghanap ng iba

Masakit para sa akin
Pero dahil dyan ka masaya,
Susuportahan kita
Susuportahan kita kahit masakit na

Nandito pa rin ako mahal
Alam kong alam mong nandito ako
Wala ka lang pakialam
Dahil wala ka pang kailangan

Naiintindihan ko
Naiintindihan ko na baka magselos siya at mag-away kayo kapag nagparamdam ka sakin
Naiintindihan ko pero masakit
Masakit kasi kaibigan mo naman ako
Hindi naman ako nanggugulo
Hindi naman ako nagsasabi ng kung ano-ano
Pero dahil mahal kita, iintindihin ko
Ganoon naman ako, di ba?
Palaging umiintindi
Pero kahit ganoon ay walang nananatili

Na sa akin nga talaga siguro ang problema
Hindi ko kayang pilitin ang nadarama
Madaming nakaabang at naghihintay para sa akin
Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko sila mabigyan ng halaga
Gaya ng pagbibigay ko ng halaga sayo

Hanggang dito na lang mahal
Dahil nauubos na ang aking tinta
At sana sa pagtatapos ng aking pluma sa pagiging instrumento upang makalikha ng tula;
Ay matapos na rin ang pagmamahal ko para sayo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: