Walang Closure

Dumidilim na ang paligid

Nariyan na ang buwan upang ipaalala ang gabi
Nagbabadya na ang mga luha sa aking pisngi
Dahil ang gabi ang nagpapaalala ng iyong paglisan sa aking tabi

Tumayo ka at umalis
Walang binitawang salita
Naglakad ka lang palayo hanggang sa balutin ka na ng dilim 
At tuluyan na kitang hindi nakita

Hindi ka man lang nagpaalam
Hindi mo man lang ako niyakap
Hindi ka man lang nagpaliwanag
Umalis ka lang at iniwan akong umiiyak

Umiyak ako noong gabing iyon
Kahit masakit 
Kahit gustong-gusto na kitang habulin at yakapin
At sabihin ang mga katagang,
“Mahal kita”
“Huwag mo akong iwan”
Ay hindi kita pinigilan
Dahil kung talagang mahal mo ako,
Hindi mo ako iiwan
At aalis ng walang paalam

Sabi nila,
Kapag mahal mo, pipigilan mo
Kapag mahal mo, hahabulin mo
At kapag mahal mo, ipaglalaban mo

Hindi ako naniniwala dun, mahal
Dahil kung mahal mo talaga ang isang tao,
Susuportahan mo ang desisyon niya
Hahayaan mo siya sa kanyang ikasisiya
At hindi mo pipilitin ang sarili mo sa kanya 
Dahil hindi naman napipilit ang nararamdaman
Magmumukha ka lang tanga kakahabol sa kanya at kakaasa na baka meron pa
Na baka pwede pa
Kahit hindi na
Bukod sa nagmumukha ka ng tanga,
Sinasaktan mo pa ang iyong sarili

Pero mahal,
Alam mo ba na kapag sumasapit ang gabi
Kapag binabalot na ng dilim ang paligid
Kapag pinapalitan na ng buwan ang araw
At nangniningning na ang mga bituin sa langit;
ay napapaisip pa rin ako
Napapaisip kung bakit mo ako iniwan
Napapaisip kung ano ang nagawa kong mali
Napapaisip kung mayroon bang mali sa akin
Napapaisip na baka kulang pa ang pagmamahal na naibigay ko

Ngunit hindi
Inaalala ko ang lahat
Lahat naman ay sapat
Dalawa lang ang aking naiisip na dahilan ng iyong paglisan,
Hindi mo na ako mahal
O may iba ka ng minamahal

Kaya mahal,
Ako na ang magsasabi ng isang salitang ipinagkait mong bigkasin bago mo ako iwanan
Paalam.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: